^

Police Metro

Tatlong senador atbp. desperado na-una

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagiging desperado na umano sina Senators Antonio Trillanes IV, Alan Peter Cayetano at Koko Pimentel sa  kanilang  pag-iimbestiga sa Makati City Hall Building-2 at  pagbato ng putik laban kay Vice President Jejomar Binay  dahil malapit nang matapos ang pagsasagawa nila ng imbestigasyon dito.

Ito ang sinabi ni Uni­ted Nationalist Alliance (UNA) interim secretary JV Bautista kaya naman ang anak ni Bise Presidente Binay na si Makati Mayor Junjun Binay at opisyales ng lungsod ang binantaan na iko-contempt sakaling hindi dadalo sa pagdinig gayung pinayagan umano ng mga ito si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado at ibang pang witness ay nanumpa ng kasinungalingan laban sa Bise Presidente.

“Wala na silang maibatong isyu sa Bise Presidente kaya naman tinatakot nila si Mayor Binay  ng contempt. May iba pa bang pwedeng gawin ang mga senador kaysa aksayahin ang pera na galing sa taumbayan sa pamamagitan ng buwis para lang sa ambisyong politika sa 2016.

Inihayag pa ni Bautista na ang mga pahayag nina  Mercado at Renato Bondal ay sobrang eksaherado at wala na sa katotohanan  at lumalabas na isang gawa-gawang kuwento lang.

Ipinagtataka rin ni Bautista na kung bakit hindi man lang kinuwestyon ng mga senador ang pagsisinunga­ling nina  Mercado at Bondal  na  tinanggap sa Witness Protection Program (WPP) dahil sa rekomendasyon ni Se­nate President Franklin Drilon.

“Nagtatago sa WPP sina Mercado at  Bondal sa kasinungalingan na ginagastusan ng pera ng bayan na kung maaalala ay sinabi ng mga ito na may pag-aari ng log cabin sa Tagaytay Highlands ang Bise Presidente gayung nagbigay na ng pahayag ang kor­porasyon na walang pag-aari ang huli,” wika ni Bautista.

Bukod pa sa paha­yag ng mga ito na may babuyan sa Rosario, Batangas ang pamilya Binay na kinunan pa ng larawan sa ere gamit ang helicopter subalit hindi rin totoo.

“Kaya’t lumalabas na ang pananakot ng contempt kay  Mayor Binay,  ay naglalarawan ng pagiging desperado ng tatlong senador at kanilang mga saksi dahil sa hindi na interesado ang taumbayan sa nasabing usapin,” pagwawakas ni Bautista. – Butch Quejada-

ALAN PETER CAYETANO

BAUTISTA

BISE PRESIDENTE

BISE PRESIDENTE BINAY

BONDAL

BUTCH QUEJADA

MAYOR BINAY

MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with