Kelot natuluyan sa ikalawang pag-suicide
MANILA, Philippines – Natuluyan sa pangalawang tangkang pagpapakamatay ang isang lalaki sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon sa Mandaluyong City.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Benjamin Espiritu, ng #35 Countryside, Barangay Barangka Ibaba ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang madiskubre ang biktima na nakabitin sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ng live in partner nitong si Erwina Isip sa pag-uwi nito ng bahay mula sa trabaho.
Humingi ng tulong si Isip sa kapatid ng biktima para ibaba ito at dalhin sa hospital, pero hindi na
umabot ng buhay.
Nabatid na una nang nagtangkang magpakamatay ang biktima nang maglaslas ng pulso noong nakalipas na taon dahil umano
sa depresyon at nararanasang problema sa buhay.
- Latest