^

Police Metro

3 inaresto sa ‘bomb joke’ sa final mass ng Santo Papa

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa kulungan bumagsak ang dalawang babae at isang bakla nang manakot ito sa mga tao nang sabihin na sila ay may dalang bomba at baril sa huling misa na gagawin ni Pope Francis sa Quirino Grandstand.

Nakakulong sa detention cell ng Manila Police District-station 5 ang mga suspek na sina Ellyn Ventura, alyas “Khuy”, 26, dalaga, medical secretary, ng Zamboanga City; Erlinda Sion,alyas “Celine”, 27, dalaga, medical secretary,  ng San Fabian, Pangasinan at ang bading na si Albert Corpuz, alyas “Jazz”, 21, kasambahay, ng Barangay Nilombot, Sta. Barbara, Pangasinan.

Ang tatlo ay inireklamo ng isang Jasmin Valera, 34, ng Phase 3, F1 Alimasag St, Caloocan City  sa mga nakabantay na pulis nang magbiro  umano ang mga ito na ikinatakot ni Valera na maaaring magdulot ng tensiyon at stampede lalo’t kasama niya ang anak na maliit pa na maaaring madaganan at ma-stampede ng mga nag-aabang sa pagdating ng convoy ng Santo Papa kaya’t isinumbong kay PO2 Alvin Villarosa.

Nagwika ang isa sa mga suspek ng “Bakit ako may dalang bomba, bakit hindi nila na-detect?” na sinundan ng isa na “Ako din may dalang 45…. pesos,” at ang sagot ng ikatlo “ako din may dalang 38…pesos”.

ALBERT CORPUZ

ALIMASAG ST

ALVIN VILLAROSA

BARANGAY NILOMBOT

CALOOCAN CITY

ELLYN VENTURA

ERLINDA SION

JASMIN VALERA

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with