^

Police Metro

Bodyguard ng opisyal ng BOC inaresto sa MOA

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang isang miyembro ng Philippine Army na umano ay  bodyguard ni Bureau of Customs (BoC) Deputy Commissioner Jessie Dellosa dahil sa pagdadala nito ng 9mm baril habang naghihintay sa pagdating ni Pope Francis sa SM Mall of Asia (MOA) Arena kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Ang suspek na nakakulong sa Pasay City Police detention cell ay kinilalang si Staff Sergeant Raymundo Nobleza, nakatalaga sa First Scout Ranger sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan at naninirahan sa #594 Swing Fire St., Palar Village, Makati City.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang masita ang suspek sa kahabaan ng Bucaneg St., CCP Complex, Pasay City habang hinihintay ang pagdaan ng convoy ng Santo Papa patungo sa MOA Arena para dumalo sa gaganapin na“Encounter with Families”.

Napansin ng mga pulis ang sukbit nitong baril sa beywang kaya’t agad ina­resto si Nobleza na hindi naman pumalag.

Ayon kay Nobleza na sumabay lamang siya sa pagluwas sa Maynila ni Baliuag Bulacan Mayor Carolina Dellosa na dadalo rin sa aktibidades ng Santo Papa sa MOA Arena.

Samantala, inaresto rin ang sekyu na si Jeoffrey Agan, 34, residente ng #68 Corpuz St., Barangay  Sucat Muntinlupa City nang makumpiskahan ito ng toy gun habang naghihintay din sa pagdating ng Santo Papa sa lugar dakong ala-1:30 ng hapon.

vuukle comment

BALIUAG BULACAN MAYOR CAROLINA DELLOSA

BUCANEG ST.

BUREAU OF CUSTOMS

CAMP TECSON

CORPUZ ST.

DEPUTY COMMISSIONER JESSIE DELLOSA

FIRST SCOUT RANGER

JEOFFREY AGAN

PASAY CITY

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with