^

Police Metro

Eroplano na kinalululanan ng ilang opisyal ng gobyerno sumadsad

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang puting private plane na sinasakyan ng ilang opisyal ng pamahalaan ang sumadsad sa dulo ng runway ng Tac­loban Airport kahapon. Ayon kay Police Chief Superintendent Asher Dolina ng Police Regional Office 8, ligtas ang lahat ng sakay nito.

Kabilang sa mga nai­ligtas mula sa eroplano ay sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, Undersecretary Manny Bautista at Felizardo Serapio, ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda bukod pa sa walong staff members at tatlong crew members.

Batay sa ulat, ilang minuto matapos lumipad ang eroplanong sinasakyan ni Pope Francis, nagtangka ring lumipad ang private plane sa kabila ng masa­mang panahong dala ng Bagyong Amang pero sumadsad ito.

Ayon kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na sumabog umano ang gulong ng Global Express plane kaya ito nagkaaberya. Sa ipinalabas namang statement, nasiyahan si Pangulong Noynoy Aquino na ligtas ang mga sakay ng nasabing eroplano at ipinag-utos na nito sa Civil Aviation Authority of the Philippines na im­bestigahan ang pangyayari.

AYON

BAGYONG AMANG

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA

FELIZARDO SERAPIO

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

GLOBAL EXPRESS

LEYTE REP

PANGULONG NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with