^

Police Metro

Babae todas matapos dumalo sa misa ng Santo Papa sa Tacloban

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang 21- anyos na babaeng taga Samar nang mabagsakan ng sound system nang bumigay ang tinutungtu­ngan na scaffol­dings malapit sa altar dahil sa mala­kas na hangin dulot ng bagyong Amang pagkatapos ng misa ni Pope Francis sa Tacloban City kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Kristel Padasas, volunteer ng Catholic Relief Service.

Batay sa ulat, katatapos lamang magmisa ni Pope Francis sa Daniel Romualdez Airport nang bigla na lamang bumagsak ang scaffoldings at tumama sa mukha ng biktima ang speaker malapit sa altar  na agad nitong ikinamatay.

Ang biktima ay kabilang sa halos 150,000 katao na dumayo sa Tac­loban City para dumalo sa misa ni Pope Francis na hindi ininda ang bagyo ng magtungo sa lungsod at Palo, Leyte.

Ang Eastern Visayas ay nasa ilalim ng signal No. 2 dulot ng panana­lasa ng bagyong Amang.

Dahil sa masamang lagay ng panahon ay napilitan naman si Pope Francis at ang entourage nito na paikliin ang kanilang biyahe sa Leyte kung saan maayos ang mga itong nakabalik sa Maynila.

ANG EASTERN VISAYAS

BATAY

CATHOLIC RELIEF SERVICE

DAHIL

DANIEL ROMUALDEZ AIRPORT

KRISTEL PADASAS

LEYTE

POPE FRANCIS

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with