^

Police Metro

P1.1B pro-poor projects, ginugol ng DILG sa CAR

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mahigit sa P1.1B halaga ng mga proyekto para sa mahihirap ang ginugol para sa Cordillera Admi­nistrative Region (CAR) sa ilalim ng programang Bottom-up Budgeting (BuB) ng kagawaran mula 2013 hanggang 2015.

Ito ang nihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas  at sa unang taon ng pagpapatupad sa proyekto noong  2013, mahigit P306M ang inilaan sa 274 proyekto sa buong rehiyon na ipinatupad ng kalahok na national government agencies (NGAs) o kuwalipikadong local government units (LGUs) at 274 proyekto, 229 na ang natapos.

Nitong 2014, mahigit  P808M ang ginugol sa 1,163 proyekto sa CAR na 25 ang natapos noong nakaraang Oktubre.

Para maging kuwalipikado, kailangang makapasa ang LGUs sa Seal of Good Local Governance na paraan ng DILG upang matiyak na may kakayahan ang mga ito na magpatupad ng mga proyekto para sa ikabubuti ng mamamayan.

Sa pangkalahatan, ang maximum budget allocation na pinahintulutan para sa LGUs ay nabawasan mula P50M noong 2013 at 2014 sa P30M ngayong 2015.

Pinahalagahan din ni Roxas ang mahalagang papel ng civil society organizations (CSOs) na kabahagi rin ng local poverty reduction action teams (LPRATs) para tumulong sa pagtukoy sa mga prioridad na proyekto at aprobahan ng local poverty reduction action plans (LPRAPs) para sa implementasyon ng kaukulang ahensiya.

CORDILLERA ADMI

MAHIGIT

NITONG

PARA

PROYEKTO

SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with