SC hindi naglabas ng TRO sa MRT-LRT fare hike
MANILA, Philippines – Sa apat na petisyon na inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng fare hike sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) na ipinatupad ng DOTC ng walang anumang isinagawang konsultasyon ay walang inilabas na temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema.
Ayon kay Supreme Court-Public Information Office (SC-PIO) Chief Theodore Te na napagkasunduan ng mga mahistrado na bigyan ng 10 araw ang mga respondents na magkomento sa apat na petisyong nagpapatigil sa taas-pasaheng ipinatupad noong Enero 4.
Kabilang sa mga respondents ay sina Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, LRTA Administrator Honorito Chaneco, MRT 3 Officer-in-Charge Renato San Jose, the MRT Corp. at Light Rail Manila Consortium.
Sa ilalim ng bagong pasahe, P30 na ang single journey sa LRT line 1 na Baclaran-Monumento at vice versa habang P29 naman ang stored value tickets mula sa dating P20.
Ang pasahe naman sa LRT Line 2 na mula Recto sa Manila hanggang Santolan sa Pasig at vice versa ay P25 sa single journey tickets habang P24 naman sa stored value tickets, na dating P15 lamang.
Nasa P28 naman ang mula North Ave sa Quezon City hanggang Taft Ave sa ilalim ng MRT 3 na dating P15 lamang ang bayad maging ito ay stored value o single journey tickets.
- Latest