^

Police Metro

Most wanted pumalag sa warrant, napatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa isang shootout ang isang most wanted person na  may ugnayan sa Bansamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang pu­malag ito sa isisilbing warrant of arrest sa kanya kahapon ng umaga sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang napatay na suspek na si Datungan Gumaga, alyas Ali at Arnold Mamaluba.

Batay sa ulat na natanggap ni Capt. Joan Petinglay, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, ganap na alas-6:40 ng umaga sa bisinidad ng Sitio Wangayen malapit sa boundary ng Barangays Ladtingan at Batulawan ay nagsasagawa ang tropa ng 6th Infantry Division kasama ang elemento ng Pikit Municipal Police Station,  Task Force Pikit at Regional Police Security Battalion 12 para isilbi ang arrest warrant kay Gumaga.

Subalit, pumalag ang suspek at pinagbabaril ang mga otoridad na masuwerteng walang tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at napatay ang suspek.

 

ARNOLD MAMALUBA

BANSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAYS LADTINGAN

DATUNGAN GUMAGA

INFANTRY DIVISION

JOAN PETINGLAY

NORTH COTABATO

PIKIT MUNICIPAL POLICE STATION

REGIONAL POLICE SECURITY BATTALION

SITIO WANGAYEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with