^

Police Metro

2 dinakip sa pagbebenta ng Piranha

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dinakip ng mga otoridad ang dalawang lalaki kabilang ang isang menor de edad matapos na makita na nagbebenta ng pinagbabawal na isdang Piran­ha kamakalawa ng gabi sa kanto ng Tayuman at Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jordan Carlos, 25, company checker, ng 220 Lallana St., Tondo  at Mark Je­rico, 17.

Batay sa ulat, dakong alas-7:45 ng gabi ay nagpapatrulya ang  mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) nang mamataan ang dalawa na nakaupo sa bangketa at nag-aalok ng dala nilang mga plastic container na naglalaman ng tubig at mga binhi ng isda.

Inusisa ng mga otoridad ang laman ng 4 plastic container na ang bawat plastic ay naglalaman ng 25 piraso ng Piranha species na nagkakahalaga ng P130,000 bawat plastic.

Nakatakdang isasalang sa inquest proceedings sa kasong paglabag sa Republic Act 8550 (Philippine Fisheries Code of 1998) kaugnay sa Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR) administrative order na nagpapataw ng parusa sa “illegal possession, importation and trade of prohibited fish particularly Piranha.

Bukod dito ay mahaharap din ito sa kasong paglabag sa RA 9147  (An Act providing for the comnservation and Protection of Wildlife Resources and  their Habitats,  Appropriating Funds  Therefore and for Other Purposes).

Mapanganib ang nasabing isda na kumakain ng maliliit na mammals at iba pang aquatic resources and species na kung pakakawalan ay makakasira ng kalikasan.

AN ACT

APPROPRIATING FUNDS

BUREAU OF FISHERIES

DISTRICT SPECIAL OPERATIONS UNIT

JORDAN CARLOS

LALLANA ST.

MARK JE

OTHER PURPOSES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with