60 Pinoy ‘convicted’ sa ‘stun gun’ sa HK
MANILA, Philippines - Nahatulan ng korte ang 60 Pinoy sa Hong Kong dahil sa pagdadala ng stun gun at mga kahalintulad na gamit.
Sinabi ng Office of the Vice President, nagpalabas na sila ng babala sa Philippine Consulate sa Hong Kong matapos na ma-convict ang 60 kababayang Pinoy na karamihan ay mga tripulante dahil sa pagdadala ng mga “armas” na walang lisensya nitong 2014.
Bunsod nito, nanawagan kahapon si Vice President Jejomar Binay, tumatayo ring Presidential Adviser on OFW’s Concern sa mga Pinoy na iwasang magdala sa kanilang bagahe ng mga device tulad ng stun guns at kahalintulad na gamit papasok sa Hong Kong.
Aniya, kinakailangan na mag-ingat ang mga Pinoy sa Hong Kong dahil itinuturing pa rin dito na “armas” ang mga stun guns, tear gas, bullets o bala, extendible batons, flick knives at knucle dusters sa ilalim ng HK Fireams and Ammunition Ordinance.
Ipinaliwanag pa ni Binay na mahigpit ang Hong Kong government sa pagpapatupad ng kanilang batas at walang sinisino sa mga lumabag.
Ang mga mapapatunayang nagkasala sa pagdadala ng mga nabanggit na device na ipinagbabawal sa HK ay may katapat na parusang pagkakakulong ng hanggang 14 taon at may multa na HK$100,000.
- Latest