Nakuryente dahil sa langaw…. BFAR employee patay, 1 kritikal
MANILA, Philippines – Dahilan sa pangunguryente ng mga langaw, patay ang isang empleyado ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang kritikal ang kasamahan nito nang aksidenteng makuryente sa Tanauan City, Batangas kamakalawa.
Idineklarang dead on arrival sa Laurel Memorial Hospital ang biktimang si Domingo Brio habang patuloy namang nilalapatan ng lunas si Sonny Catarnin; pawang stay-in na manggagawa sa BFAR.
Sa ulat ng Batangas Police, naganap ang insidente ganap na alas-11:30 ng umaga sa Brgy. Ambulong, Tanauan City ng lalawigang ito kung saan mabilis na ini-report sa mga otoridad ni Lenny Lawang Brio ang pagkamatay ng biktima.
Base sa imbestigasyon, nagkasundo ang dalawa na manghuli ng langaw sa pamamagitan ng pangunguryente ngunit paglusong ng mga ito sa tubig ay ang malakas na boltahe ng kuryente ang sumalubong sa mga ito.
Nagawa pang maisugod ang dalawa sa pagamutan pero nabigo ng mailigtas ang isa sa mga ito.
- Latest