Iniwan ng misis nag-dive sa kamatayan
MANILA, Philippines – Posibleng hindi umano matanggap ng isang 32-anyos na mister ang ginawang pag-iwan sa kanya ng misis kung kaya’t tumalon ito sa tulay kamakalawa sa Brgy. San Francisco, Camaligan, Camarines Sur.
Ang biktima na natagpuang palutang-lutang sa Bicol River ay nakilalang si Marvin Delos Santos, ng Brgy. Triangulo, Naga City, Camarines Sur.
Ayon kay Gomer, noong Enero 1 ng umaga ay huli niyang nakita ang kanyang kapatid na naglalakad sa tabi ng Panganiban Bridge na matatagpuan sa Panganiban Drive nang bigla na lamang sumampa ito sa tulay at tumalon.
Agad na humihingi ng saklolo si Gomer, subalit dahilan sa lakas ng agos sa Bicol River ay nilamon at tinangay ang biktima.
Pagkalipas ng dalawang araw ay natagpuan ang biktima dakong alas-11:30 ng umaga na palutang-lutang sa ilog sa karatig barangay.
- Latest