P.1-M reward sa may-ari ng baril na nakapatay sa batang babae
MANILA, Philippines - Magbibigay ng reward na P100,000 ang grupong Guardians Reform Advocacy & Cooperation Towards Economic Prosperity para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng may-ari ng baril na responsable sa pagpapaputok nito na ikinasawi ng isang 11-anyos na batang babae na tinamaan ng bala sa ulo sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa Abra.
Magugunita na noong alas-12:20 ng madaling araw ng Bagong Taon ay nakatayo at nanonood ng putukan ang biktimang si Jercy Decym Tabaday, Grade IV pupil sa Bumagcat Elementary School sa kanilang lugar sa Brgy. Bumagcat, Tayum nang tamaan ng bala sa ulo.
Dinala ito sa pagamutan, subalit ilang oras ay namatay din ito dahil sa tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaniyang ulo.
Ayon naman kay Cordillera Police Director Chief Supt. Isagani Nerez, sa kasalukuyan ay patuloy ang imbestigasyon upang mabigyan ng hustisya ang biktima. - Joy Cantos-
- Latest