^

Police Metro

Kolehiyala kumalas sa lover, tinodas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 19-anyos na kolehiyala nang ito ay ataduhin ng saksak ng kanyang lover na may-asawa na naglaslas naman ng leeg kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Jackie Bugay, college student ng hindi pa batid na paaralan at residente ng no. 25 Gadiola Mall, Greenville Condominium, Sta.Mesa, Maynila.

Ginagamot sa ospital ang suspek na lover ng biktima na si Joseph Espiritu, 32, may-asawa, call center agent at residente ng no. 064 P. Alcantara St. Barangay VII-B, San Pablo City, Laguna.

Batay sa ulat, bago nadiskubre ang krimen sa nasabing condominium ay umalis ng bahay ang katulong na si Recil Ramos dakong alas-5:00 ng umaga para mamalengke at nakita nito ang biktima at suspek na magkatabing natutulog sa sala.

Sa pagbalik ni Ramos dakong alas-9:00 ng umaga ay narinig nito na naghuhumiyaw ang biktima  na tila sinasaktan ng suspek kaya’t agad nitong binuksan ang pinto, subalit  naka-lock ito.

Kaya’t nagpasama si Ramos sa sekyu na si Espino Reyes na magdaaan sa likod ng bintana at doon ay nakitang duguan ang biktima na katabi ang lover.

Isinugod sa ospital ang dalawa, subalit nasawi si Bugay habang nilalapatan ng lunas.

Sa nakalap na impormasyong ng mga otoridad na nais umanong kumalas ng babae kay Espiritu dahil sa nakatakdang mangibang bansa dahil pa­sado na ang petisyon sa kaniya ng ina na posibleng hindi pumayag ang suspek.

vuukle comment

ALCANTARA ST. BARANGAY

ESPINO REYES

GADIOLA MALL

GREENVILLE CONDOMINIUM

JACKIE BUGAY

JOSEPH ESPIRITU

MAYNILA

RAMOS

RECIL RAMOS

SAN PABLO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with