^

Police Metro

Foreman nambastos ng dalagita pinagtataga

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mistulang tinadtad na karne ng baka ang ibat ibang bahagi ng katawan ng isang foreman nang ito ay pagtatagain ng dala­wang lalaki kabilang ang ama ng dalagita na umano ay binastos nito kamakalawa sa isang subdivision ng Brgy. Mambog 4, Bacoor City, Cavite.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Alex Garcia, 43, may-asawa, foreman ng Construction Greenfield Company at residente ng Brgy. San Agustin Ibaan, Batangas City.

Ang dalawang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang sina Rolando Villanueva, alias Totong, construction wor­ker, ng Brgy. Mambog 4 at isang alias Nonong.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-4:00 ng hapon ay nagtatrabaho ang biktima sa loob ng Princeton Subdivision nang komprontahin ng mga suspek na pawang armado ng bolo.

Nagagalit ang suspek na si Villanueva  dahil sa umano’y  ginawang pambabastos sa anak nitong dalagita.

Pinabulaanan ng biktima ang akusasyon ni Villanueva hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at ilang sandali ay pinagtataga ng dalawa ang biktima hanggang sa ito ay mapatay.

vuukle comment

ALEX GARCIA

BACOOR CITY

BATANGAS CITY

BRGY

CONSTRUCTION GREENFIELD COMPANY

MAMBOG

PRINCETON SUBDIVISION

ROLANDO VILLANUEVA

SAN AGUSTIN IBAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with