DOLE naglabas ng pay rules ngayong kapaskuhan
MANILA, Philippines – Makatatanggap ng doble ang mga manggagawa na papasok sa trabaho sa araw ng Pasko.
Batay sa labor advisory ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang Disyembre 25 na isang regular holiday kaya’t doble ang sahod na tatanggapin ng mga manggagawa na papasok sa nasabing araw.
Kung nag-overtime naman ang manggagawa ay makakatanggap siya ng dagdag na 30 porsyento sa hourly rate para sa nasabing araw. Kung nagkataon namang rest day ng manggagawa pero siya ay nagtrabaho tatanggap siya ng karagdagang 30 porsyento ng 200 percent ng kanyang daily rate at kung nag-overtime naman ay makakatanggap siya ng dagdag pang 30 porsyento ng kanyang hourly rate.
Ang Dis. 24 at 26 naman na idineklarang special non-working days, iiral naman ang sumusunod na pay rules: Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, paiiralin ang “no work, no pay” principle at kapag nagtrabaho naman ay tatanggap siya ng karagdagang 30 porsyentong dagdag sa kanyang daily rate; Kung nag-overtime, tatanggap siya ng dagdag na 30 posyento sa hourly rate para sa nabanggit na araw at natapat sa day-off ng manggagawa, pero siya ay pumasok pa rin sa trabaho, tatanggap siya ng karagdang 50 porsyento ng kanyang sahod at kung nag-overtime naman ay karagdagang 30 porsyento ng kanyang hourly rate para sa nabanggit na araw.
- Latest