2 todas sa convenient store holdap
MANILA, Philippines – Kapwa nasawi ang dalawang holdaper nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis matapos na holdapin ang isang convenience store kamakalawa ng gabi sa Brgy. Niog 3, Bacoor City, Cavite.
Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan ang dalawang napatay na suspek na sakay ng Toyota Vios na walang plaka.
Sa ulat, dakong alas-11:40 ng gabi nang pasukin ng dalawang suspek na armado ng baril ang isang convenience store sa panulukan ng Brgy. Niog.
Tinutukan ng mga ito ang kahera ng All Day Convenience Store na si Joyce Tonocante, 28 at sapilitang kinuha ang kinita.
Habang hinoholdap ay naispatan ng mga nagrorondang pulis ang kaguluhan kaya’t agad na nilapitan ang tindahan na kung saan ay patakas na ang mga suspek.
Habang sakay ang mga suspek ang kanilang kotse at tumatakas ay pinaputukan nila ang mga pulis.
Nagkaroon ng habulan at nang makorner ang mga suspek ay muling nagpalitan ng putok na ikinasawi ng mga suspek.
- Latest