^

Police Metro

18 taon kulong hatol sa ex-Misamis governor

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mula 10-18 taon na pagkakulong ang inihatol ng Ombudsman laban sa Sandiganbayan ng isang dating gobernador ng lalawigan ng Misamis Oriental dahil sa kasong malversation.

Bukod sa kulong, inutusan din ng graft court si ex- Misamis Oriental Governor Antonio Calingin na magbayad ng multang P2,082,385.00 dahil sa naturang kaso at pinagbabawal na itong magtrabaho sa alinmang posisyon sa gobyerno.

Pinababalik din dito ng Sandiganbayan sa  lalawigan ng Misamis Oriental ang katulad na halaga na P2,082,385.00 na nawala sa kaban ng naturang lalawigan.

Sa record ng graft court, napatunayan na noong nakaposisyon bilang gobernador si Calingin sa natu­rang lalawigan mula July 1998 hanggang July 2004 ay dalawang Toyota 4x4 Hi-Lux na sasakyan na may halagang  P2,082,385.00 ang naka-assign dito bilang  service vehicles.

Noong  2003, napatunayan na si Calingin ay guilty sa kasong disho­nesty, gross negligence at grave misconduct dahil sa nawawala ang natu­rang mga sasakyan kayat nasuspinde ito sa posisyon ng anim na buwan ng walang sahod.

BUKOD

CALINGIN

HI-LUX

MISAMIS ORIENTAL

MISAMIS ORIENTAL GOVERNOR ANTONIO CALINGIN

MULA

NOONG

PINABABALIK

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with