^

Police Metro

50 katao ni-recruit sa away negosyo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang  50-kalalakihan na pawang mga Muslim na sakay ng mga bangka mula sa Taguig City, na ibinaba sa Manila South Harbor, na kargado ng mga baril at pampasabog, kahapon ng hapon.

Sa sketchy report, ang mga inaresto ay kabilang sa mga kalalakihang nakipagbarilan sa mga awtoridad bago pa man nasakote sila ng grupong pinamumunuan ni P/Chief Inspector Dennis Wagas, sa isinagawang responde dakong alas 2:00 ng hapon kahapon.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag si Wagas, na nagkumpirma lamang na ang mga dinakip ay pawang kalalakihan na nahulihan ng mga baril at pampasabog. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang mga inaresto na nakapiit na sa MPD.

Sa panig naman ng mga inaresto, sinabi ng mga ito na sila ay ni-recruit lamang ng hindi nila kakilalang tao para sa trabaho  na hindi nila alam.

“Wala kasi kaming mga trabaho kaya noong sinabi na isasama kami para sa job hiring sumama kami at nagulat na lang kami kasi iniwan kami sa ere nung mga taong nagsakay sa amin sa bangka, kasi hinabol na sila ‘nung nakipagbarilan sila.”

Pawang mga residente ng Maharlika Village sa Taguig City ang mga suspek habang bineberika pa ang mga impormasyon na sila ay nire-recruit ng armadong grupo na maghahasik ng kaguluhan sa Maynila.

Ayon naman sa isang source, ang pagkuha umano ng mga nasabing kalalakihan ay posibleng gagamitin ang mga ito bilang private armies.

ARESTADO

AYON

CHIEF INSPECTOR DENNIS WAGAS

KASALUKUYAN

MAHARLIKA VILLAGE

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA SOUTH HARBOR

MAYNILA

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with