^

Police Metro

PNP-pagdukot ng van riding men sa 9-anyos na bata hindi totoo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang masu­sing imbestigasyon ng pulisya ay lumalabas na hindi totoo o kuwentong kutsero lamang ang napaulat na pagdukot ng mga armadong kalalakihan na lulan ng puting van sa isang 9 anyos na batang Grade IV sa Viewpoint, Banaue, Ifugao.

Magugunita na  unang nagsuplong sa pulisya ang pamilya ng biktima na itinago sa pangalang Renz hinggil sa tangkang pagdukot sa biktima sa Sitio Maluhpeng, Viewpoint Banaue, Ifugao kamakailan na ikinabulabog ng lalawigan.

Kaya’t naglatag ng checkpoint ang mga oto­ridad at pinalakas na intelligence monitoring hanggang sa mapag-alamang kuwentong kutsero lang.

“Based on the interviews acquired from the Brgy. Captain of Viewpoint, the Brgy. Counsils the victim and the witness, there is no attempted kidnapping made for the reason that the statements of the victim and the witness was not consistent”, pahayag ng pulisya.

 

BANAUE

BRGY

CAPTAIN OF VIEWPOINT

COUNSILS

IFUGAO

KAYA

MAGUGUNITA

MATAPOS

SITIO MALUHPENG

VIEWPOINT BANAUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with