^

Police Metro

Regalong nakabalot bawal sa LRT

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi makakasakay ang sinumang pasahero sa LRT kung hindi nito bubuksan ang regalong nakabalot para inspeksyunin.

Ito ang paalala ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) kahit pa sa Christmas rush kaya dapat ay huwag munang ibalot ang mga regalo kung planong sumakay sa LRT.

Kinakailangang buksan ang mga nakabalot na items na dala ng
pasahero upang matiyak ng mga security guards kung ano ang laman ng mga ito.

Mas mabuti anyang nakasisiguro upang hindi malusutan ng mga masasamang elemento.

Ayon pa sa LRTA  istrikto nilang ipa­tutupad ang “no inspection,  no entry” policy para na rin sa kapakanan ng mga
mananakay.

Nagbigay pa ng guidelines ang LRTA sa mga dapat gawin sa inspeksyon bago pumasok ng mga istasyon ng tren, kabilang na ang pagpila nang maayos, paglalagay ng bag o bagahe sa ibabaw ng mesa at pagbubukas dito para mas mabilis itong mainspeksyon.

 

AYON

KINAKAILANGANG

KUNG

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LRTA

NAGBIGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with