Hitman-holdaper dedo sa barilan
MANILA, Philippines – Dead on the spot ang suspek na si Freddie Nicol, alyas Totoy Bite, ng D-129 Nia Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City matapos na makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng umaga.
Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-6:30 ng umaga ay sinalakay ng mga otoridad ang bahay ng suspek na isang notoryus na hitman-holdaper.
Habang nagsasagawa ng paggalugad ay naispatan nila si Nicol na may bitbit na baril at nang pasukuin ay nanlaban ito at pinaputukan ang mga otoridad.
Gumanti ng putok ang mga otoridad hanggang sa masawi si Nicol.
- Latest