Gobyerno sinisi sa pagkapugot ng OFW sa Saudi
MANILA, Philippines - Sinisi ng mga solons mula sa minorya at mayorya ang gobyerno dahil sa pagkakapugot sa isang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Saudi Arabia na si Carlito Lana.
Ayon kay 1BAP Rep. Silvestre Bello III na malaki ang dapat na ipaliwanag dito ng Labor Department, Department of Foreign Affairs (DFA) at OWWA at lumalabas na mayroong ciminal negligence o criminal oversight dito sa panig ng mga ahensiya ng gobyerno.
Para naman kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at Quezon City Rep. Winston Castelo, dapat matuto na rito ng leksyon ang pamahalaan.
Dapat na regular na ilathala ng DFA ang pangalan ng mga OFW na nasa death row sa ibang bansa para nabibigyan ng aksyon bago mahuli ang lahat.
Sinabi naman ni Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna na dapat ilaban ng gobyerno na mabigyan ito ng impormasyon sa tamang panahon bago pa ang execution ng parusa sa mga OFW na nasa death row.
Nilinaw naman ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na ginawa ang gobyerno ang lahat sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs si Lana.
“Ang atin pong pamahalaan ay nagbigay ng lahat ng kinakailangan at kinauukulang pagtulong kay Ginoong Lana at tiniyak po na ang kanyang mga karapatang legal ay iginalang at sinuportahan sa buong prosesong panghukuman o judicial process.
- Latest