^

Police Metro

BI alerto sa banyagang terorista

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Walang makakapasok na banyagang terorista sa bansa kaugnay ng paghahanda sa pagdating ni Pope Francis.

Ito ang tiniyak ni Bureau of Immigration Commissioner  Siegfred Mison kasabay ng pagbuo nito ng task force na mangangasiwa sa pagbisita ng  Santo Papa.

Ang task force ay siyang mangangasiwa sa seguridad ni Pope Francis na nakatakdang dumalaw sa bansa sa Enero 15-19, 2015.

Ayon pa kay Mison, Oktubre pa inumpisahan ng task force ang kanilang preparasyon kabilang na ang planning, service training para sa mga personnel ng task force at survey inspection sa mga lugar na pagdarausan ng aktibidad ng Santo Papa.

Dobleng higpit at monitoring ang ipinatutupad sa mga paliparan sa bansa upang  maiwasan ang pagpasok ng mga te­rorista o sinumang balak na maghasik ng gulo.

 

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION COMMISSIONER

DOBLENG

ENERO

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SIEGFRED MISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with