^

Police Metro

Mga preso tinotorture ng mga pulis

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang malalimang imbestigasyon ang nais ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III kaugnay sa ulat na tumataas ang bilang ng pag-torture sa mga detainees na nasa pangangalaga ng pulisya.

Ito ang iniulat ng Amnesty International (AI) kaugnay sa nagaganap na pagpapahirap sa mga preso na anya ay mahalagang masilip kung totoo.

Naniniwala ang senador na dapat magkaroon ng batas na pipigil sa mga “torturous activities” at magkaroon ng mekanismo sa pagsasagawa ng epek­tibong imbestigasyon sa mga iniuulat na insidente ng torture.

Sa ulat ng AI, may 75 na kaso umano ng torture ang naitala noong nakaraang taon na kung saan ang 60 kaso ay sangkot ang mga pulis.

Naniniwala ang senador na mas marami pang kaso ang hindi naiuulat dahil sa kawalan ng tiwala ng mga biktima sa justice system ng bansa.

AMNESTY INTERNATIONAL

IMBESTIGASYON

ISANG

KASO

NANINIWALA

SENATOR AQUILINO

TORTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with