^

Police Metro

Napolcom director tiklo sa kotong

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang Regional Director ng National Police Commission (NAPOLCOM) 9 ang inaresto sa ikinasang entrapment ope­ration kamakalawa sa Zamboanga City.

Kinilala ni Sr. Inspector Dahlan Samuddin, Officer in Charge ng Public Information Office ng Police Regional Office (PRO) 9 ang nasakoteng suspek na si Atty. Macapado Guro.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng hapon nang masakote ang suspek sa isinagawang entrapment operation ng  pinagsanib na elemento ng Regional Intelligence Division (RID) 9, Regional Intelligence Unit (RIU) 9 at Zamboanga City Police sa La Casa Maria, Brgy. Sta Maria ng lungsod na ito.

Batay sa ulat, isang pulis na nakatalaga sa Isabela City, Basilan  na hindi na nito tinukoy ang pangalan ang nagreklamo dahilan kinokotongan umano siya ng suspek kapalit ng personal na pabor.

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga otoridad at nasakote ang suspek sa aktong tinatanggap ang P 10,000.00 marked money sa nasabing lugar na napagkasunduan ng suspek at ng biktimang parak.

vuukle comment

BATAY

ISABELA CITY

ISANG REGIONAL DIRECTOR

LA CASA MARIA

MACAPADO GURO

NATIONAL POLICE COMMISSION

POLICE REGIONAL OFFICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

REGIONAL INTELLIGENCE DIVISION

REGIONAL INTELLIGENCE UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with