^

Police Metro

P5.7M iligal na droga nasamsam

Tina Timbang - Pang-masa

Cavite, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang P5.7 milyong piso na ha­laga ng iligal na droga sa isinagawang pagsalakay sa umanoy kubkuban ng mga pusher sa Brgy. Datu Esmael sa Dasmariñas City, Cavite kahapon.?

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga armado ng search warrant nang sa­lakayin ng pinagsanib na puwersa ng PIB, SWAT, MPU at RPSB ang bahay nina Patani Sultan, Hadji Norhanesa Monongiring at Rodolfo Pontecha sa nasabing barangay.?

Nasamsam sa mga bahay nila ang nasa 248 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa kalahating kilo, isang cal. 38, dalawang cal. 45, isang cal. 22, isang airgun, mga magazines at mga bala.?

Dahil sa mga CCTV at hirap makapasok sa nasabing lugar hindi na naabutan ng pulisya ang mga may-ari ng bahay ngunit apat katao naman ang inimbitahan sa presinto upang isailalim sa imbestigasyon.

BRGY

CAVITE

DAHIL

DATU ESMAEL

HADJI NORHANESA MONONGIRING

NASAMSAM

PATANI SULTAN

RODOLFO PONTECHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with