^

Police Metro

Truck vs. van: 4 dedo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Apat na katao ang patay nang salpukin ng isang humaharurot na trailer truck ang isang delivery van kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Patay na ng dumating sa Saint Dominic Hospital ang mga biktimang sina Gerry Mainit, nasa hustong gulang, driver ng trailer truck, residente ng Block 4, Lot 16-F,  Dagat-Dagatan Malabon City; Rodolfo Cahilig, driver naman ng delivery van, ng Block 2,  Lot 6, Barangay  Pulang Lupa,  Las Piñas City;  Jonathan Gabrinao, 27, pahinante, residente rin ng nasabing barangay at  isang hindi pa nakikilalang lalaki, ang mga ito ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Lumalabas sa  imbes­tigasyon ng Parañaque City Traffic Bureau, ang insidente   ay naganap dakong alas-5:00 ng umaga, malapit sa traffic light, intersection ng CAVITEX at Marina Road, Barangay Dongalo ng naturang lungsod.

Patawid umano sa traffic light ang isang  kulay puting delivery van na may plakang UCM-612, na minamaneho ni Cahilig habang humaharurot naman ang paparating na trailer truck na may plakang RAC-240, na minamaneho ni Mainit at pag-aari ng RMCE Metal Products Trailer sa Parañaque City.

Ang nasabing delivery van ay patungo sa Marina at ang  trailer truck naman ay  patungo sa Cavite City, kung saan dahil sa sobrang bilis ng huli ay hindi na nakontrol ng driver ang preno at nasalpok ang una.

Sa sobrang lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ng ilang metro ang mga biktima na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Bumangga pa ang trailer truck sa railing ng expressway at wasak naman ang delivery van. Ang labi ng mga biktima ay inilagak sa Amigo Funeral Homes sa Baclaran Parañaque City upang i-autopsy habang binubusisi naman ng mga otoridad ang close circuit television (CCTV) footage sa nasabing lugar.

AMIGO FUNERAL HOMES

BACLARAN PARA

BARANGAY DONGALO

CAVITE CITY

CITY

CITY TRAFFIC BUREAU

DAGAT-DAGATAN MALABON CITY

GERRY MAINIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with