^

Police Metro

Roxas pinagbakasyon na si Purisima

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Uupo na bilang Officer in Charge  ng Phi­lippine National Police (PNP) si Deputy Director General Leonardo Espina matapos isilbi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang 6 buwang ‘suspension order’ na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban  kay PNP Chief Director General Alan Purisima.

Ayon kay Roxas pinalagan ng kampo ni Purisima ang nasabing suspension order sa pagsasabing wala  sa hurisdiksyon ng DILG ang pagsisilbi ng kautusan dahil nasa ilalim ng kapangyarihan ng NAPOLCOM ang PNP.

Sinabi ni Atty. Kris­toffer James Purisima, kamag-anak at legal counsel ng Chief PNP na maituturing na illegal ang pagsisilbi ng nasabing kautusan.

Sinabi naman ni Ro­xas na taktika lamang ng abogado ni Purisima  ang hindi pagkilala sa DILG sa layuning harangin ang suspension order.

Sa kasalukuyan ay nasa Samar pa rin si Ro­xas para sa isinasagawang assessment sa pinsala ng bagyong Ruby at disaster response operations sa mga naging biktima ng bagyong Ruby.

Magugunita na si Purisima ay pinatawan ng 6 buwang suspensiyon ng Ombudsman kaugnay ng maano­malyang P100M kontrata sa Werfast Documentary Agency na nagde-deliver ng mga lisensya ng baril.

vuukle comment

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

DEPUTY DIRECTOR GENERAL LEONARDO ESPINA

JAMES PURISIMA

NATIONAL POLICE

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PURISIMA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with