3 lalawigan lumubog sa baha
MANILA, Philippines - Tatlong lalawigan sa Southern Tagalog ang lumubog sa baha sanhi ng malalakas na pag-ulan sa paghagupit ng bagyong Ruby kahapon.
Ayon sa pahayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama ang tatlong lalawigan na lubog sa baha ay ang Quezon, Laguna at Marinduque.
Sa lalawigan ng Quezon ay lubog sa baha ang Brgy. Almacen sa bayan ng Pagbilao at Brgy. Panaon sa bayan ng Unisan nasa 17 pulgada ang lalim ng baha at 34 pulgada naman sa bayan ng Pitogo.
Sa lalawigan ng Laguna sa bayan ng Siniloan ay nasa 17 pulgada ang dinaranas na mga pagbaha ng Brgy. Batuhan, Famy; Brgy. General Luna at Brgy. Wawa.
Siyam na lugar naman sa lalawigan ng Marinduque na kinabibilangan ng Brgy. Malusak at Isok sa bayan ng Boac; Brgy. Nangka I, Laon, Capayang, Bintakay, Ino pawang sa bayan ng Mogpog at Brgy. Balilis at Hupi sa munisipalidad naman ng Sta. Cruz.
- Latest