^

Police Metro

PAGASA naglabas ng mobile apps

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa anumang aberya sakaling may sakuna tulad ng bagyo ay hinikayat ng  Philippine Atmospheric  Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na mag-download ng mga mobile application na may kinalaman sa weather forecasting.

Sinabi ni Aldczar Aurelio, weather specia­list ng PAGASA na malaki ang maitutulong sa paghahanda ng publiko kung may bagyo kapag may Project Noah at Arko apps sa cellphone. 

Sa pamamagitan ng Project Noah, makikita ang weather updates at malalaman ang lokasyon ng bagyo at iba pang impormasyon mula sa PAGASA habang ang Arko naman ay magbibigay ng specific na lugar na posibleng bahain o binabaha na.

Bagamat ang radyo at tv pa rin ang accessible na makukunan ng impormasyon kailangan pa rin ng publiko partikular ng mga taong nasa labas ng bahay, opisina at trabaho ang mobile application para makuha ang updates sa sama ng panahon upang maiwasan ang sakuna.

ALDCZAR AURELIO

ARKO

BAGAMAT

BAGYO

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PROJECT NOAH

SINABI

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with