MMDA problemado sa mga pamilyang matitigas ang ulo
MANILA, Philippines - Hindi alintana ng mga pamilya na nakatira sa mga ‘waterways’ o daluyan ng tubig ang banta sa kanilang buhay kapag may dumarating na bagyo.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng Metro Manila Develoment Authority (MMDA) na ayaw pang magsilikas gayung may banta ng bagyong Ruby.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino sakit ng ulo nila ang pagpapalikas sa mga nakatira sa gilid ng floodway sa may Pasig City at Taytay, Rizal dahil sa katwiran na wala pa naman silang nararamdaman na sobrang lakas ng hangin.
Ganito rin ang sitwasyon sa Maynila sa Parola, Baseco at Isla Puting Bato na suki ng kalamidad partikular ng storm surge.
Katwiran ng mga ito, binabantayan nila ang mga gamit at lilikas na lamang kapag dumating na ang epekto ng bagyo.
Sa kabila nito ay maganda naman ang koordinasyon nila kay Quezon City Mayor Herbert Bautista sa paglilikas naman sa mga nakatira sa 11 lugar na posibleng magkaroon ng landslide. Kabilang dito ang lugar ng Payatas at Fairview.
Tiniyak rin ng MMDA na may sapat na krudo ang kanilang mga pumping stations sa Kamaynilaan upang maiwasan ang malalaking mga pagbaha.
- Latest