^

Police Metro

Sayyaf inutas ng Swiss national

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ng hostage Swiss national ang isang sub-commander ng mga bandidong Abu Sayyaf Group nang itakin ang leeg nito sa kasagsagan ng isinagawang mortar shelling ng tropa ng mga sundalo kahapon sa Patikul, Sulu.

Ang napatay na ASG sub-commander ay kinilalang si Juhurim Hussien.

Nasugatan naman ang Swiss national na si Lorenzo Vinciguerra, 49-anyos, matapos na mataga rin ng bandido habang tumatakas at ligtas na nasagip ng mga sundalo.

Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga habang nagpapaulan ng artillery fires ang tropa ng mga sundalo sa Sitio Nangka, Brgy. Kulambu, Talipao, Sulu malapit sa Mount Bagsak na kinaroroonan ng kuta ng mga bandidong kidnapper ay sinamantala ito ni Vinciguerra.

Inagaw ni Vinciguerra ang itak ni Hussien at tinaga ito sa leeg na siyang ikinasawi nito.

Habang nagtatakbo patakas ay hinabol ng mga tauhan ni Hussein si Vinciguerra at nasugatan ito sa taga.

Nasabat naman ito ng tropa ng 1st Scout Ranger Battalion at 3rd Scout Ranger Company na nagsasagawa ng law enforcement operations sa Brgy. Timpook, Patikul, Sulu at iniligtas mula sa mga humahabol nitong kidnapper.

Napilitan namang magsitakas ang mga bandidong Abu Sayyaf sa takot  na makasagupa ang puwersa ng mga sundalo.

Magugunita na si Vinciguerra at ang kasamahan nitong birdwatchers na si Ewold Horn ay binihag ng mga bandido sa Pa­nglima Sugala, Tawi-Tawi noong Pebrero 1, 2012 at itinago sa Sulu.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

EWOLD HORN

JUHURIM HUSSIEN

LORENZO VINCIGUERRA

MOUNT BAGSAK

PATIKUL

VINCIGUERRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with