Ginang binoga habang nagsasara ng tindahan
MANILA, Philippines - Dalawang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 66-anyos na ginang nang ito ay barilin ng hindi pa kilalang suspek habang nagsasara kamakalawa sa kanyang tindahan sa Carriedo St., Quiapo, Maynila.
Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ay kinilalang si Adoracion Chua, biyuda, ng Leyte St., Sampaloc, Maynila.
Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi ay isinasara ng biktima ang kanyang tindahan nang lumapit ang suspek at walang kaabog-abog na ito ay barilin ng dalawang beses sa kaliwa at kanang bahagi ng tagiliran.
Nabatid na walang nais magsalita sa mga tao sa lugar na pinangyarihan sa takot na sila ang balikan.-Ludy Bermudo-
- Latest