Amok sa kampo: 2 parak utas
MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang pulis kabilang ang isang nag-amok habang dalawa ang nasugatan naganap sa loob ng Camp Alejandro Suarez, Bongao, Tawi-Tawi kamakalawa ng gabi.
Ang nasawing mga pulis ay kinilalang sina PO2 Alano Julwahid, duty sentinel at PO1 Mario Tobias na siyang nag-amok.
Batay sa ulat na natanggap ni Tawi-Tawi Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Joselito Salido, bago nangyari ang insidente, dakong alas-8:00 ng gabi sa Camp Alejandro Suarez sa kapitolyo ng Bongao ng lalawigang ito ay galit na tinungo ni PO1 Tobias ang kampo at hinahanap ang isang opisyal ng pulisya na pinaghihinalaan nitong dahilan kung bakit nalipat siya ng destino sa Regional Public Safety Battalion sa Sulu Provincial Police Office.
“He appears to be under the influence of drugs when he barge into the camp looking for a police officer”, pahayag ni Salido na galit at nagmumura pang umalis matapos na pigilan ng duty sentinel na si PO2 Julwahid.
Ilang saglit ay bumalik si PO1 Tobias na may bitbit na M16 rifle at agad pinagbabaril si PO2 Julwahid habang pumasok din ito sa loob ng kampo kung saan ay muling namaril na ikinasugat ng dalawang pulis na sina PO1 Bee Gubat at SPO4 Nurulla Kamaluddin.
Nagsagawa ng operasyon ang mga otoridaddakong ala-1:45 ng madaling-araw.
Sa halip na sumuko ay namaril pa ang suspek na sa kabutihang palad ay walang tinamaan kaya’t napilitan ang arresting team na barilin ito na siya nitong ikinasawi.-Joy Cantos-
- Latest