Pinay sa HK tiklo sa 2 kilo ng droga
MANILA, Philippines - Naaresto ng mga otoridad ang isang 29-anyos na overseas Filipino worker (OFW) dahil sa umano’y pagdadala ng may dalawang kilong illegal drugs sa paliparan ng Hong Kong.
Batay sa ulat, dinakip ng mga otoridad ang Pinay nang makita umano sa loob ng sapatos nito ang may 2-kilong cocaine na tinatayang may market value na mahigit HK$2-milyon o P11 milyon habang nasa Hong Kong International Airport.
Nahaharap sa kasong drug trafficking ang nasabing domestic heper at nakatakda umanong humarap sa korte ng Hong Kong.
Sa batas ng Hong Kong sa ilalim ng Dangerous Drugs Ordinance, posibleng mapatawan ng parusang habambuhay na pagkabilanggo ang Pinay at may multang 5-milyong Hong Kong dollars (P28-M) kapag napatunayang nagkasala sa pagdadala ng illegal drugs.
Bineberipika na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Consulate General sa Hong Kong ang ulat.- Ellen Fernando-
- Latest