^

Police Metro

Lover ni misis tigok kay mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang awang binistay ng isang mister ang lalaking bagong kinakasama ng kanyang hiniwalayang misis sa naganap na madugong insidente sa Zone 7, Brgy. Cawit, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jayson Galicia, dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang nahaharap sa kasong kriminal ang suspek na si Jimmy Unsali ng Barangay Sta. Catalina ng nasabing lunsod.

Sa ulat ng Zamboanga City Police, naganap ang insidente sa bahay na tinitirhan ng misis  at ng mga anak nito na kapiling ng suspek sa nabanggit na lugar dakong alas-6:15 ng gabi, kung saan nagpunta ang suspek dito para bisitahin ang kanyang mga anak kaya naabutan ang biktima habang nasa sala.

Sa puntong ito ay mu­ling nabuhay ang poot sa puso ng nasabing mister na tuluyang gumuho ang pag-asa na magkabalikan pa silang mag-asawa.

Agad binunot ng suspek ang kaniyang nakasukbit na cal. 45 pistol at pinagbabaril ang  biktima na duguang napalupasay at ilang sandali pa ay binawian ng buhay.

Narekober naman  ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng pu­lisya sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment

BARANGAY STA

BRGY

CAWIT

JAYSON GALICIA

JIMMY UNSALI

KINILALA

NAREKOBER

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with