^

Police Metro

Tatay kritikal, anak nailigtas... dinamita inakalang lusis sinindihan, sumabog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang 34-anyos na tatay ang nasa kritikal na kondisyon nang sagipin nito ang buhay ng anak sa sumabog na dinamita matapos na ito ay sindihan sa pag-aakalang ito ay lusis naganap kamakalawa sa Brgy. Kalin­tana, Naga, Zamboanga, Sibugay.

Ang biktima na ginagamot sa Dr. Simon Medical Hospital  dahil sa tinamong mga grabeng sugat sa pagsabog ng dinamita ay kinila­lang si Haijirin Jainal, mangingisda.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagsabog ng dinamita sa bakuran ng pamilya dakong alas- 10:07 ng umaga ay kauuwi lamang ng biktima mula sa pamama­lakaya nang maabutan nito ang kaniyang anak na si Adhar Jainal, 10 anyos  na naglalaro ng dinamita na sinindihan nito sa siga mula sa kanilang bakuran.

Napatakbo si Haijirin ng makitang nasa pa­nganib ang kaniyang anak at inagaw mula rito ang dinamitang may sindi na habang hawak ng nagla­larong bata.

Subalit, sumabog ang dinamita na sumambulat sa katawan ng ama na naging dahilan para ito ay madalas sa ospital.

Ang nasabing dinamita ay gamit umano sa illegal na pangingisda na inaalam pa kung pag-aari ng biktima at kung saan ito nakuha ng bata.

ADHAR JAINAL

BATAY

BRGY

DINAMITA

DR. SIMON MEDICAL HOSPITAL

HAIJIRIN

HAIJIRIN JAINAL

ISANG

KALIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with