^

Police Metro

Bakbakan: 2 BIFF napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ang dalawang miyembro ng Bangsa­moro Islamic Freedom Fighters (BIFF) habang dalawang sundalo ang nasugatan nang muling magsagupa sa liblib na lugar sa Brgy. Nabundas, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay kasalukuyang nagsasagawa ng security patrol ang dalawang platoon ng Army’s 45th Infantry Battalion upang hanapin ang napaulat na Improvised Explosive Device (IED) nang makasagupa ang nasa 30 BIFF sa nasabing lugar na pinamumunuan ng isang alyas Comman­der Sanad at alyas Bisaya.

Nagbunsod sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig  na ikinasugat ng dalawang sundalo at pagkasawi ng dalawang BIFF rebels kung saan ay marami pa sa mga ito ang sugatang nakatakas.

vuukle comment

BANGSA

BATAY

BISAYA

BRGY

COMMAN

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

INFANTRY BATTALION

ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

SHARIFF SAYDONA MUSTAPHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with