^

Police Metro

Tserman, misis at 2 anak... pamilya drug pusher nadakip

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pa­milya na kinabibilangan ng isang barangay chairman, misis nito at dalawang anak na umano ay mga drug pusher sa kanilang lugar matapos na salakayin kamakalawa ang kanilang bahay sa Pasay City.

Kinilala ni Atty. Eric Isidoro, hepe ng NBI-Reaction,  Arrest and Interdiction Division (RAID) ang mga naa­restong suspek na sina Brgy. Chairman Alejandro “Mork” Morales, misis nitong si Pilita, at dalawang anak na sina Jamie at  Morlita.

Batay sa ulat, sina­lakay ng NBI ang dalawang magkahiwalay na bahay sa Muñoz St., sa Pasay City sa bisa ng search warrants na inisyu ng Manila Regional Trial Court.

Nabatid na maimplu­wensiya umano sa lugar ang suspek na si Mork dahil sa rami ng mga taong lookout nito, maliban pa sa nakapaligid ang 32 surveillance camera na may sensors ang buong barangay na nasasakupan nito.

“Kunyari may taong dadaan, tutunog siya. So kung maraming pulis or law enforcers na dadaanan, malalaman niya dahil tutunog nang tutunog yong sensors,”sabi ni  Isidoro.

Lahat ng surveiilance camera ay konektado at kontrolado umano sa 7-palapag na bahay ni Mork na madali nitong namo-monitor sa kanyang kuwarto.

Nabatid pa na ang ipinambili ng mga nasabing gadgets ay nagmula sa pondo ng pamahalaan.

May pagkakataon pa umanong si Mork ay nanghimasok sa police operation kung saan pinakawalan nito ang nadakip na drug pusher at ang mismong pulis ang kaniyang sinasaktan at hinahabol habang inaagaw ang huli nitong tao.

Nang makita ng mga tao ang ginagawa ng kanilang chairman nagmistulang people’s power na dahil tumulong pa ang mga residente na kuyugin ang mga pulis.

ARREST AND INTERDICTION DIVISION

CHAIRMAN ALEJANDRO

ERIC ISIDORO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MORK

NABATID

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with