^

Police Metro

Kidnaper na Abu, nadakip

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang notoryus na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na sangkot sa serye ng kidnapping for ransom (KFR) ang naaresto sa isinaga­wang operasyon sa Brgy. Landang Laum, Sacol Island, Zamboanga City kamakalawa.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si Wahid Pingli alyas Gaffur.

Ayon kay Captain Rowena Muyuela, Spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang masakote ng tropa ng Joint Task Group Zamboanga ng AFP at ng Zamboanga City Police ang suspek sa nasabing lugar.

Sa ulat si Pingli ay may nakabimbing warrant of arrest  kaugnay ng kasong kidnapping at serious illegal detention na inisyu ni Regional Trial Court-Zamboanga City  Branch 14  Judge Reynerio Estacio.

Kabilang naman sa mga naging biktima ng grupo ni Pingli ay ang negosyanteng si Inocente Bautista na dinukot noong Mayo 27, 2008 sa Brgy. Tetuan sa lungsod ng Zamboanga.

Pinalaya si Bautista noong Hunyo 9 ng nasabi ring taon sa Brgy. Manicahan.

Sangkot din ang suspek sa pagdukot kay Vicente Barrios, 60, noong Hunyo 17, 2010 sa Brgy. Bolong, Zamboanga City na pinalaya naman noong Agosto 2.

Nasamsam sa suspek ang isang Elisco M16 na may magazine at 17 rounds ng bala.

ABU SAYYAF GROUP

BRGY

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

HUNYO

INOCENTE BAUTISTA

JOINT TASK GROUP ZAMBOANGA

JUDGE REYNERIO ESTACIO

LANDANG LAUM

PINGLI

REGIONAL TRIAL COURT-ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with