^

Police Metro

Ex- sekyu itinumba sa harapan ng anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang kaawa-­awang pinatay sa harapan ng kanyang anak ang isang 50-anyos na dating guwardiya  ng dalawang di pa nakikila­lang lalaki sa Barangay Lambug, Badian, Cebu kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Romeo Auban Terante, idineklarang dead on arrival sa Badian District Hospital.

Sa ulat ng Cebu City Police, kasalukuyang naglalakad ang mag-ama dakong alas-5 ng hapon sa naturang lugar nang harangin ng riding in tandem at barilin ng back rider na nadaplisan sa  kaliwang kamay sa ikalawang putok.

Nagawa pang tumakbo ng biktima habang akay-akay ang 10-anyos nitong anak na isang Grade IV pupil sa Tambug Elementary School pero inabutan ng mga suspek saka pinaluhod at binaril sa kaliwang bahagi ng ulo kaya naman na-shock ang anak ng biktima.

Sa salaysay ng anak ng biktima sa mga awtoridad, nagmamakaawa ang kaniyang ama sa mga suspek pero hindi ito pinakinggan at mabilis na tumakas matapos ang krimen. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng insidente.

BADIAN DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY LAMBUG

CEBU

CEBU CITY POLICE

INIIMBESTIGAHAN

KINILALA

NAGAWA

ROMEO AUBAN TERANTE

TAMBUG ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with