^

Police Metro

P750 halaga ng cellphone naibebenta ng P10k sa Bilibid

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hiniling ng  PNP Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (PNP-AID-SOTF) sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang pagkakaroon ng wifi o internet connections at paggamit ng mga cellphone at iba pang modernong gadgets ang mga big time drug lord at iba pang preso sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay PNP-AID-SOTF Spokesman P/Chief Inspector Roque Merdeguia, isa ito sa mga karaniwang dahilan kaya malayang nakakagawa ng transaksyon sa illegal na droga ang mga drug lords at iba pang inmates sa nasabing piitan.

Sinabi rin ng opisyal na dapat magpatupad ng malawakang pagbabalasa ang DOJ sa mga opisyal at tiwaling tauhan ng NBP para matigil ang nasabing iregularidad.

Kung magpapatupad ng pagbabalasa sa NBP ay dapat mula sa matataas nitong opisyal hanggang sa ibaba para matigil ang katiwalian sa NBP.

Sa mga nakalipas na ope­rasyon ng PNP-AID-SOTF operatives natukoy na sangkot ang ilang mga kawani ng Bureau of Corrections (BOC) sa pagbebenta ng iba’t ibang gadgets at mga cellphones sa mga inmates.

Sinasabing ang cellphone na nagkakahalaga lamang ng P750.00 sa merkado ay ibinebenta ng mga tiwa­ling empleyado sa NBP sa halagang P 10,000 kaya tiba-tiba ang mga ito kaya hindi nakapagtataka kung bakit may mga cellphone ang mga preso na kung tutuusin ay bawal.

Mayroon din na mga laptop computers ang mga maya­yamang preso kaya kontodo wifi at nakapagsasara ang mga ito ng tran­saksyon ng illegal na droga sa loob at labas ng kulungan.

Nabatid pa na mayroon ding signal jammer ang naturang mga preso sa kanilang mga  detention cell.

Ayon pa sa opisyal sa isa nilang operasyon sa maximum security cell, walang signal ang kanilang mga cellphone  at radiocommunication, pero  ang mga presong drug lords ay mala­yang  nakikipag-usap sa mga katransakyon sa  labas ng kulungan gamit ang kanilang mga cellphone.

 

vuukle comment

AYON

BUREAU OF CORRECTIONS

CHIEF INSPECTOR ROQUE MERDEGUIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

NEW BILIBID PRISONS

SPOKESMAN P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with