^

Police Metro

Nakaw na yaman ni Nani Perez, pinababawi

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Makaraang makita ng tanggapan ng Ombudsman ng prima facie evidence laban kay dating Justice Secretary Nani Perez, misis nitong si Rosario, bayaw na si Ramon Antonio Arceo, Jr., at isang Ernest DL Escaler hinggil sa pagkakaroon ng umanoy nakaw na yaman na umaabot sa US$2 milyon ay inaprubahan ang pagsasampa ng petisyon sa Sandiganbayan para mabawi ito ng pamahalaan.

Sinasabing noong  Peb­rero 2001, isang Mario B. Crespo na kilala bilang si  Mark Jimenez ay napuwersa ni  Perez at Escaler na magbayad ng US$2 milyon kapalit para sa cessation of threats at intimidation laban sa una.

Kaya’t naisagawa ni Jimenez ang pagpapadala ng pondo mula sa kanyang  bank accounts papunta sa bank accounts nina  Pe­rez, Escaler at  ­Arceo.

Lumalabas din sa imbestigasyon na si Perez at asawang si Rosario at Escaler ay nasa Hong Kong nang isagawa ang paglilipat ng pondo  sa bank account ng huli.

Hindi naman naihayag ni Perez sa kanyang SALN noong 2001 o ang financial interest ng asawa na may halagang US$1.7 milyon na nailipat sa kanilang account sa pamamagitan ni Escaler. 

ARCEO

CRESPO

ESCALER

HONG KONG

JUSTICE SECRETARY NANI PEREZ

MARIO B

MARK JIMENEZ

PEREZ

RAMON ANTONIO ARCEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with