DTI bantay-sarado sa presyo ng bilihin ngayong Kapaskuhan
MANILA, Philippines – Bantay-sarado ng Department of Trade and Industry ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong Kapaskuhan.
Ito ang paniniyak ng Malacañang upang hindi makakapagsamantala ang mga tiwaling negosyante.
Naglabas na ng “suggested retail price” ang DTI upang maging batayan ng mga consumers sa kanilang pamimili, pero may mga pangamba pa rin kaugnay sa pag monitor sa galaw ng presyo ng mga basic commodities.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, aktibo ang DTI sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga consumers at halos araw-araw din na nagpapadala ng report kaugnay sa ginagawang pagbabantay at nagpapaikot rin sila ng Diskuwento Caravan.
- Latest