Globe naglunsad ng Piso Mall
MANILA, Philippines - Inilunsad kamakailan ng leading telecommunications company Globe Telecom ang Piso Mall, ang “first-of-its-kind” video store kung saan maaaring manood ang mga Globe prepaid at TM customers ng iba’t ibang videos mula sa kanilang paboritong TV shows, concerts, movie clips, tutorials at music videos for as low as P1.
Sa pamamagitan ng produktong ito ay mas pinalawak ng Globe Telecom ang access sa internet ng mga prepaid customers sa bansa, katulad ng access sa “rich content” katulad ng videos na pwedeng mapanood at ma-enjoy kahit saan at kahit kailan, sa presyong magaan sa bulsa.
Walang data charges at hindi rin kailangan ng maintaining prepaid load balance para makapag-browse ng videos sa Piso Mall. Magsisimula lamang ang charging ng P1 kapag nag-view o nanood na ang customer ng video. Hindi na kailangan pa ng anumang data plan o WiFi connection para makapanood ng video.
“Nais naming bigyan ng mas madali at mas murang internet access ang aming mga Globe at TM customers upang ma-enjoy nila ang iba’t-ibang videos sa kanilang cellphones, saan man at anong oras man nila gusto. Sa Piso Mall, maaari nang makapanood ng paborito mong video for as low as P1 mula sa available na mahigit 200,000 videos,” wika ni Issa Cabreira, Senior Vice President, Globe Consumer Mobile Marketing.
Kinakailangang naka-internet-capable phone at Globe/TM SIM upang magamit ang Piso Mall. I-text lang ang PISO sa 8888 at i-click ang link o bisitahin ang http://m.pisomall.com.ph sa browser ng iyong cellphone.
- Latest