UNA duda sa sekretong pagpunta ni Mercado sa US
MANILA, Philippines - Hinimok ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco ang Department of Justice (DOJ) na kumpirmahin kung alam nila ang “sekretong”pagpunta ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa United States na nakapagbigay ng iba’t ibang spekulasyon.
Ang tila alinlangan na pagkumpirma ng mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Bureau of Immigration sa pag-alis ni Mercado ay nagbibigay ng duda na ang pag-iimbestiga sa Senado ukol sa umano’y overpriced sa Makati building ay balak lang wasakin ang pamilya Binay.
“Bakit walang gustong mag-confirm na government agency sa media na umalis nga si Mr. Mercado papuntang Amerika noon pang Nov. 18? Ano ba ang itinatago nila sa kanyang pag-alis?” wika ni Tiangco.
Ayon sa sources, pinayagan ng DOJ si Mercado na sekretong umalis papuntang US ay upang bisitahin ang misis nitong may sakit, pero duda si Tiangco at posible anya na may iba pang malalalim na kadahilanan.
Alam ni Tiangco na may karapatan si Mercado na malayang mangibang bansa dahil siya ay nasa ilalim ng patakaran ng Witness Protection Program (WPP) rules.
“But what we know is that the WPP must also be informed of his activities papunta man sya sa mga isla niya sa Palawan o sa mga casino sa Las Vegas. Ang tanong namin, nagsabi ba si Mercado sa WPP na siya ay pupuntang Amerika para dalawin ang pamilya nya, o may ibang pakay pa siya?” wika pa ni Tiangco.
Suspetsa ni Tiangco na ang sekretong pag-alis ni Mercado bukod sa pagbisita nito sa kanyang pamilya ay iba pang agenda.
Sinabi pa ni Tiangco na ang mga miyembro ng Senate Blue Ribbon sub-committee ay maliwanag na bahagi ng conspiracy upang protektahan si Mercado sa anumang kaparaanan upang ipagpatuloy nito ang paghahayag ng kasinungalingan laban kay Vice President Jejomar Binay kahit na maraming masagasaan na pribadong indibidwal at mga kumpanya.
Tulad anya noong nakaraang Senate hearing na sinabi ni Mercado na si Ariel M. Olivar ay dummy ng Bise Presidente na may-ari ng Peak Tower Condominium na hindi naman totoo at ang katotohanan na ang middle name ni Olivar ay Mercado na hindi binanggit sa hearing at binura sa affidavit na isinumite sa Senado.
Si Olivar ay iisang tao lang na dating person board member ng pag-aaring construction company Twinleaf Inc., ni Mercado at business partner ng Freeway Surveying, at isa sa mga pasahero ng chopper na kumuha ng mga larawan ng Sunchamp property sa Rosario, Batangas.
- Latest