^

Police Metro

Remulla-Condo unit sa The Peak Tower kay Mercado

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi si Vice President Jejomar Binay kundi si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado ang nagmamay-ari ng mga condominium units sa Makati City tulad ng The Peak Tower.

Ito ang sinabi ni Cavite Governor at vice presidential spokesman for political concerns na si  Jonvic Remulla.

Ayon kay Remulla, si Mercado ang tunay na nagmamay-ari ng nasabing condo unit, ang lugar na pinangyarihan ng hindi pa nareresolbang krimen at pagkamatay ng kanyang live-in partner noong 2002.

Taliwas anya, ito sa sinasabi ni Mercado sa ginanap na pagdinig sa Senado na gumamit umano ng dummy si VP Binay upang itago ang katotohanang nagmama­y-ari siya ng condo unit sa The Peak Tower.

Nilinaw ni Remulla na sa nasabi ring unit naninirahan ang isang Racquel Ambrosio, dating live-in partner ni Mercado at anak na babae ng nasirang komedyante na si Babalu.

Tinukoy ni Remulla sa nasabi ring lugar nangyari ang isang shooting incident kung saan ikinokonsidera ng pulisya noon na si Mercado ang pangunahing suspek.

Sinabi ni Remulla na batay sa police report noong Abril 24, 2002 ay nasawi sa isang tama ng bala sa tiyan si Ambrosio matapos ang umano’y pagtatalo nila ni Mercado.

Nakasaad pa sa report na ang baril na ginamit sa pagpatay kay Ambrosio ay naka-rehistro sa pangalan ni Mercado.

Isinuko ng huli ang baril matapos ang insidente at inamin pa umano na nilinis ang crime scene.

Hinamon ni Remulla ang sinasabing dummy na lumutang at sabihin ang lahat ng nalalaman kaugnay sa sinasabing mga tagong pro­perty o condo units ng Bise Presidente at klaruhin ang pangalan nito, dahil siya rin ang nagsilbing “surveyor” na kilalang nagtatrabaho at humaharap umano para kay Mercado.

Nasa flight manifest din umano si Ariel Olivar sa helicopter na nagpaikot-ikot at naniktik sa Rosario property ng Sunchamp sa Batangas at kumuha ng mga larawan at videos.

Kinuwestyon din ng kampo ni Binay sa kung paano nangyari na magkakaroon ng dummy si Binay sa manipesto ng chartered helicopter na ginamit na pagkuha mg aerial photos at videos noong Oktubre 2 sa Sunchamp property.

AMBROSIO

ARIEL OLIVAR

BINAY

BISE PRESIDENTE

CAVITE GOVERNOR

JONVIC REMULLA

MERCADO

PEAK TOWER

REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with