^

Police Metro

Ex-Army na kidnaper, timbog

Non Alquitran - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nadakip ng pulisya ang isang sinibak na sundalo na tinaguriang no.5 most wanted na kidnaper sa lalawigan ng Bicol.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga pulis ang suspek na kinila­lang si dating PFC Rodante Cabaylo, 37, sa harap ng kanyang bahay sa Zone 1 Del Rosario, Naga City.

Ang suspek ay dinakip sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Bernelito Fernandez, ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 97 sa pagkidnap sa isang Sally Chua noong July 5, 2013 at walang piyansa na inirekomenda.

Nabatid na si Cabaylo ay isa sa 7 suspek na ku­midnap kay Chua sa kahabaan ng EDSA, Barangay Philam, Quezon City noong July 5, 2013.

Humingi ang grupo ng P100 milyon na ransom para sa paglaya ni Chua, subalit naibaba ito sa P15 milyon nang makipagnegosasyon ang pamilya ng biktima.

Nang winiwidraw ang ransom money ng mga suspek sa  isang  bangko sa C.M. Recto St., sa Davao City ay nagkaroon ng barilan na ikinasawi ng tatlong kidnaper na sina Pfc. Daniel Mortejo, Leo Miranda, at Edilberto Apari at nasagip si Chua.

Bukod kay Cabaylo, ay naaresto rin sina Reccente Padillo, ang utak sa kidnapping at Ramil Macamay. Habang ang isa pang suspek na si Erick Gonzaga ay patuloy pang pinaghahanap.

BARANGAY PHILAM

CABAYLO

CHUA

DANIEL MORTEJO

DAVAO CITY

DEL ROSARIO

EDILBERTO APARI

ERICK GONZAGA

JUDGE BERNELITO FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with